Bilang isang residente ng Quiapo noong aking kabataan. Tuwing sasapit ang ika siyam ng Enero, aming ginugunita ang kapistahan ng itim na Nazareno. Para sa akin ito ang pagunita sa ating pananampalataya at pagmamahal sa Panginoon. Dinudumog ng mga tao ang santong patron ng Quiapo, ang Nuestro Padre Nazareno, na dinala noong siglo 1800 ng Oredeng Recoletos at itinampok sa simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza Miranda.
Kasaysayan.
Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay dinala sa Maynila ng mga pari mula sa Augustinian recollect noong Mayo 31, 1606. Ang imahe nito ay inilagak sa unang simabahan ng Recollect sa Bagumbayan (na ngayon ay parte ng Rizal Park), at pinasuyahan noong Setyembre 10, 1606.
Noong 1608, ang pangalawang pinakamalaking simbahang Recollect na inihandog kay San Nicolas de Tolentino na natapos sa loob ng Intramuros (Kung saan nakalagak ang ngayon ang gusali ng Manila Bulletin) at ang imahe ng Nuestro Padre Jesus nazareno ay inilipat dito. Ang mga pari ng Recollect ay patuloy na isinulong ang debosyon sa Paghihirap ni hesus sa pamamagitan ng nasabing imahe.
Noong 1787 nagutos ang arsobispo ng Maynila na ilipat ang imahe sa Quiapo, sa ilalim ng pagtaguyod kay Saint John the Baptist. Ang imahe ng Nazareno ay naisalba sa ibat ibang kalamidad at digmaan tulad ng nasunog ang simbahang ng Quiapo noong taong 1791 at 1929 gayun din ang lindol noong 1645 at 1863 at ang pagbomba sa Maynila noong 1945 noong panahon ng ikalawang pangdaigdigang digmaan.
Noong 1998, isang replika ng orihinal na imahe ng Itim na Nazareno ang ipinarada dahil sa pinsalang nakamit ng orihinal na imahe mula noon, ginamit na ito sa mga prusisyon habang ang orihinal na imahe ay nanatiling nakalagak sa loob ng simbahan. Ang iba pang maliit na replika ng imahe ay matatagpuan sa loob ng simbahan. (www.wikipilipinas.com)
Sa bawat taon ng aking sinubaybayan ang pyesta, napatunayan ko sa sarili ko na ganun ang paniniwala natin sa pagpapanata. Marami din naman kasi akong kilalang tao na natupad ang kahilingan sa pagpapanata. Kahit ako mismo ay may panata din sa sarili ko pero hindi sa paraang maglalakad ako sa buong Quiapo ng nakayapak at makikipag agawan ako sa lubid na para bang ikakamatay ko pag di ko nahawakan. Masyado ng may pagkaextreme ang panata na yun sa tingin ko. E pano ba naman kasi ilang milyong mga kababayan natin ang gustong sabay sabaya na humawak sa lubid. Mangarap ka kung gusto mong mahawakan ng hindi nasasaktan, siguro maghanda ka na lang ng band aid at plaster para gamutin ang sugat mo. Pero minsan ko din sinubukan na makipagagawan pero ako ay nabigo. Hindi kinaya ang makipagsiksikan sa tatlong milyong tao.
Nung ako ay nabigo na makipagbuno sa mahabang lubid, dali na lang akong umuwi at hinintay ang pagdaan sa bahay ng Nazareno. Sa Arlegui ako nakatira nun at may second floor kami kaya dun akko naghintay. Doon ko nakita ang dami pala talaga ng tao. Yun ang pinakamaraming tao na nakita ko sa buong buhay ko ng sabaysabay. Yun ang literal na hindi mahuhulugan ng karayum. Habang hinihintay ko ang pagdaan ng Nazareno, ako ay taimtim na nagdasal, ramdam na ramdam ko ang aking pananampalataya. At di kalaunan ay dumating na aking aking hinintay.
Nung nakita ko ang Nazareno, ibang iba ang aking naramdaman. Hindi ko maipaliwanag. Doon ko naintindihan lahat ang pakikipagpatayan ng mga deboto makahawak lang sa lubid o makahalik, at makapagpunas ng panyo sa Kanya. Espesyal ang araw na yun para sa aming lahat at naging parte ito ng buhay namin na hindi namin malilimutan. Kung may pagkakataon lang ako gagawin kong makapunta sa pyesta taon taon.
Bilang pagtatapos gusto ko din sanang ipaliwanag na hindi pa din dahil sa pagupunas o pagpunta lang ang ibig sabihn ng Pyesta ng Quiapo. May mas malalim pa itong kahulugan. Ito ay ang ating pagunita sa ating Pananampalataya at Paniniwala sa Ating Diyos. Tayo mismo sa sarili natin ang nagpapatibay nito. Maniwala ka at mamuhay ka ng ayon sa tamang paraan.
Maligayang Pyesta sa Lahatng mga Deboto. Pyesta natin itong lahat!!!
No comments:
Post a Comment