Bilang isang owepdobolyu sa gitnang silangan, hindi
maikukumpara ang selebrasyon ng bagong taon dito kesa sa Pinas. Lahat kaming
wala dyan sa Pinas ay wala nang ibang mahihiling pa kundi magteleport sa oras
na malapit nang mag alas dose. Pakinggan ang mga nakagawiang magpaputok ng
kwitis at ang maiilaw na krismas layts na mga bago pa mag valentines day
tatangalin. Na makasama ang buong pamilya, Si lolo at lola, si Nanay at Tatay,
Si ate at kuya hangang sa apo sa tuhod at minsan kasama din ang mga apo sa
talmpakan at mga apo sa balunbalunan at kung sino sino pang mga kamaganak at
kapitbahay.
Pero bago ang lahat magsisimba muna ang buong maganak,
sympre suot mo ang bago mong damit na binili mo nung pasko. Nung bata ako hindi ako makapagkonsetreyt sa
pagsisimba dahil hindi muna ako papakainin ng nanay ko at maghintay na daw ako
ng sabaysabay kakain sa oras ng alas dose. Minsan ay tumatakas ako sa pagpapak
ng lumpya, o menudo, at pag walang makuha e ubas na lang. Gutom na gutom ako sa
simbahan. Pero ok lang dahil sabi ko nga suot ko ang bago kong damit. Mabango
pa at amoy SM. Kaya payabangan muna kaming magkakaibigan. Di naman kami papasok
nun sa simbahan e. Dun lang kami tatambay sa upuan sa labas. Haay sarap maging
bata. Ewan ko ba kung bakit yung mga bata e gustong tumanda at yung mga matanda
e nagsisinungaling pa sa edad bumata lang.
Pag tapos magsimba, kanya kanyang hangos na sa bahay at
maghahanda na ng mga trompilyo. Ang mga sinturon ni hudas ay ilalatag na at ang
mga fountain ay ipupwesto na. Dapat makapaghanda ng maaga para masindihan agad
pag sapit ng alas dose. Nakakabad trip kasi kung ayaw sumindi ng paputok mo
tapos mas malakas na ang tunog ng sa kapitbahay. Tapos pataasan ng fountain.
Mas malaki mas ok. Yuung tipo bang yung apoy e aabot na sa 3rd floor
ng bahay ng kapitbahay o sa kawad ng kuryente yun ang mas ok. Pero nakakatakot
naman kasi ang fountain punong puno ng pulbura yun at kung sumabog yun sa kamay
mo e malamang yung mga daliri mo ang ihahanda mo bilang tocino o kaya ay
barbeque. Eew!! Basahin nyo na lang yung nauna kong post tungkol sa paputok.
Sympre eto na ang paborito ng mga kaibigan kong lasenggo pag
tapos ng kainan sa bahay ayan na.. pupunta na sa inuman yan. Magkikita kita na
kami sa aming tagpuan kung saan man mapagkasunduan na lugar na gusting mukang Jurassic
park pag dating ng umaga. Di pedeng taon taon sa isang bahay e kasi alam mo
naman ban na kami pag tapos ng inuman. So ayan sa inuman maguusap ng mga drama
sa buhay nung nakaraang taon, mga tsismis sa showbiz at sa ibang tropa, pede na
din kung sino ang pinakamadaming naging chiks. Sympre ako ang bumabangka dun.
Dati yun ha. Tapos dadating na dyan yung kaibigan kong born again at pangangaralan
kaming lahat. May asar, hangang sa magtalo na magaway magsapakan ayan
barangayan na. So next year yan na ang
paguusapan naming yung mga mukang tanga nung nakaraang bagong taon.
Yan ang sarap simulan mo ang unang araw ng taon ng may hangover,
masakit ang ulo, putol ang kamay, masakit ang dibdib, suka ng suka, nagtatae, o
minsan pa ay may black eye o hindi man lang alam ang nangyari nung besperas. Ay
sarap.. Pero yan ang nakaugalian natin. Kahit ano pang sinabi kong masama, yun
pa din ang gusto kong pagseselebreyt ng bagong taon. At kahit nasaan man kami
maging nasa ibang planeta man e hindi namin pagpapalit yan. Maliban na lang sa
paputok. Laging tatandaan ok lang na lasing wag lang walang putok ang daliri at
kamay.
No comments:
Post a Comment